p TALA-ARAWAN: We Belong Together

We Belong Together

Wednesday, June 11, 2008


AHHH EWAN

Well pag pinakinggan mo ang iisang kantsa maghapon eh, mukhang may problema ka na. Gusto mong marindi sa kantang iyon at i sink in ang meaning... Nagkataon isang buong araw kong pinakinggan ang WE BELONG TOGETHER ni Mariah, paulit ulit hanggang marindi ako. Mula paggising, habang naliligo, kumakain, nagbibihis, papasok sa trabaho, nangongoleka ng tubig, nag cocomputer, nag aanalysis. natapos lang yun nang umabot ang 5pm na nagdecide ako na tama na... sawa na...
---
ARAW
ayun nag audit ako kahapon kay Sir Mel nakakarindi lahat ng informations na ibinigay nya at hindi ko ma digest. sobrang pagod din ako dahil after nun eh, work na naman, i mean yung totoong work ko. sana naman ay makita nila ULIT na akoy nagsisikap sa work. This month daw ng June sabi ng Mudir ko na magkakaroon ng increment, well we weill see kung totoo ang sinasabi nya... pero i dont expect anything
---
TALA
Nakakain ako ulet ng ice cream ngayong gabi after ng napakatagal na panahon, ansarap kaya... last week nga pala inilibre ko si totoy BIBO ng halo halo, ayos naman ang lasa, pero this time libre ulit ng kaibigan kong si Saeed ang aking ice cream. ansarap sobra. para akong bata na hawak ang ice cream cone...
---
Ang picture ng CD na nasa itaas kasama ang mga polboron ay regalo ni KA Willy sa akin galing pinas... tsalap ng polboron.

0 comments: