p TALA-ARAWAN: June 2008

I LOVE YOU?

Sunday, June 29, 2008


(Boiler room, Hallow blocked wall, Wooden pallet)


MAHAL NA BA KITA?

AGAHAN


Breakfast With my friend K.Happy
heres what ive cooked this morning:
3 Pancit Canton
3 Hotdog (the third one nakain ko na)
2 eggs
Cafe Mocha for me
Lipton Tea for him
Bread
Background music: Hanggang Dito Na Lang by OJ Soriano

Say That You Love Me

Thursday, June 12, 2008




AHHHH EWAN:
What if he did say? Ano gagawin mo?
Eh kung kinantahan ka pa? saan ka pa?
Araw:
Been so much busy, dahil independence day ngayon, may promo ang Al Jawal, at may discount ang tawag to the philippines. So ang ginawa ko nilubos ko na ang pagtawag.
Tinawagan ko si Inay for 8 minutes
Tinawagan ko si Dave for 36 minutes
Tinawagan ko si Elmo for 32 minutes
Tinawagan ko si TL for 42 minutes
ang saya saya ng kwentuhan, grabe... yun lang, a day worth remembering! Congratulationsa nga pala kay nanay ko kasi na promote sya as Guidance Counselor... Nagpapalakas kasi sa Principal. wahaha.
TALA
Nung gabi naman nagpunta kami ng batha para mamili. dahil nga hindi naman nagalaw yung pinamili ko last week (dahil sa libreng food galing kay HAPPY) eh 8 Lucky Me Pancit Canton na lamang ang aking binili. Sent money rin para sa kapatid ko, late na yata ang registration ng kanyang motorbike so, kelangan nang bayaran...

We Belong Together

Wednesday, June 11, 2008


AHHH EWAN

Well pag pinakinggan mo ang iisang kantsa maghapon eh, mukhang may problema ka na. Gusto mong marindi sa kantang iyon at i sink in ang meaning... Nagkataon isang buong araw kong pinakinggan ang WE BELONG TOGETHER ni Mariah, paulit ulit hanggang marindi ako. Mula paggising, habang naliligo, kumakain, nagbibihis, papasok sa trabaho, nangongoleka ng tubig, nag cocomputer, nag aanalysis. natapos lang yun nang umabot ang 5pm na nagdecide ako na tama na... sawa na...
---
ARAW
ayun nag audit ako kahapon kay Sir Mel nakakarindi lahat ng informations na ibinigay nya at hindi ko ma digest. sobrang pagod din ako dahil after nun eh, work na naman, i mean yung totoong work ko. sana naman ay makita nila ULIT na akoy nagsisikap sa work. This month daw ng June sabi ng Mudir ko na magkakaroon ng increment, well we weill see kung totoo ang sinasabi nya... pero i dont expect anything
---
TALA
Nakakain ako ulet ng ice cream ngayong gabi after ng napakatagal na panahon, ansarap kaya... last week nga pala inilibre ko si totoy BIBO ng halo halo, ayos naman ang lasa, pero this time libre ulit ng kaibigan kong si Saeed ang aking ice cream. ansarap sobra. para akong bata na hawak ang ice cream cone...
---
Ang picture ng CD na nasa itaas kasama ang mga polboron ay regalo ni KA Willy sa akin galing pinas... tsalap ng polboron.